Hindi ko alam bakit ka ganyan,
Sadya bang iba ang iyong kaisipan
O ang isipa'y iba ang laman
Dapat ko bang maintindihan.
O hayaan sa iyong kagustohan
Sapagkat ako'y nagugulohan
Hindi mawari ng aking isipan
Kung paano ka pakikisamahan
Dahil nakakapagod na din minsan
Pinapakita mo'y lageng ganyan
Di ko alam paano ka pakikitungohan
Kung ikaw ba'y papansinin o tuloyang iiwasan
Ang umintindi'y hindi labag sa kalooban
Ngunit kung pagbabago hindi ko makitaan
Ako'y labis labis na mahihirapan
At hindi ko alam kung bakit ka ganyan.
Comments
Post a Comment