Malaya // Miss Independent



Malaya
- Miss Independent


Minsan ako'y naging malaya
Ang mga pakpak ay naihahampas
Kasabay ng ihip ng hangin 
Sa gitna ng malawak na kalangitan.


Ang mga ngiti sa mata'y kitang kita
At ang masisilayan ay ang masiglang tawa
Sa bawat pagalaw ng ulo at indayog ng katawan
Ang mababakas ay tanging katuwaan.


Ang kagalakan sa puso'y walang humpay
Halakhak ay walang magpagsidlan
At ang lahat ay parang walang katapusan
Sa bawat pagising laging parang simula.


Isang bagong buhay sa isang bagong araw
Alaalang sa isip ay magmamarka
Na balang araw ay maaalala
Na minsan ako'y naging malaya. 







Comments

Post a Comment