COVID19 IN THE PHILIPPINES

 Isusulat ko baka sakaling mabasa ko at ng susunod na henerasyon. 

Galing sa bansang China, na kumalat sa buong mundo, nagpinsala sa ekonomiya at walang awang kumitil ng mga buhay. Wala siyang pinilipi, mahirap o mayaman, maitim o maputi, pulitiko o mamamayan, artista o taongbayan, bata o matanda, lalaki o babae. Lahat ng madapoan ay hindi nya titigilan at buhay ang kanyang sinisingil. 


Lahat ay natigil ngayong taon ng 2020, trabaho ay nawala, butas ang mga bulsa, sa gutom ay dilat ang mga mata. Lahat tayo, kanya kanya ang iniinda, at hindi lang tayo nakikipag laban sa covid kundi tayo din ay nakikihimagsik sa gutom. 


Ang gobyerno sa pamumuno ng ating Presidente ay ginawa ang lahat para tayo ay protektahan, para tayo ay hindi masaktan. Pilit niyang pinasan ang napakabigat na pasanin na ito ng ating buhay, habang pilit niyang inaangat ang papababang ekonimiya. Nakikita nating pagod na siya. Sino ba ang hindi? Siyempre ang mga taong nakatunganga at nag aabang ng puedeng maipintas sa ating pangulo. Na imbes ipagdasal natin ang Pangulo, ay pilit natin siyang binabato at hinihilang pababa, at itulak para madapa. 

Masyado tayong nabalot sa lungkot at pagkabigo at ito'y nauwi sa galit at poot kaya kinamumuhian natin ang Presidente. Hindi man lang natin siya natanong kung kumusta siya sa panahon ngayon, at kahit sana sa dasal ay matulungan natin siya. 


Ngayon ay nasa kalagitanaan na ng tanong sa susunod na buwan ay umpisa na ng ber-months. Dapat ay excited ang lahat dahil maaamoy at madadama na ang hangin ng kapaskohan. Pero hanggang ngayon, wala pa ding kasiguraduhan ang lahat. 

At ang isang malaking katanungan, kailan ba matatapos ang lahat ng ito? Ilang buhay pa ba ang kukunin bago siya tuluyang maglaho?

Alam ko na sa mga dasal nating lahat, mawawala ito. Iwasan nating lumabas ng bahay at makipagsapalaran sa labas, isipin natin ang pamilya natin. 



Comments